-- Advertisements --

Aabot ng P627.7 billion noong nakaraang taon ang nawala sa ekonomiya sa Metro Manila bunsod ng mga ipinatupad na lockdowns dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa P6.2 trillion na naitala noong 2019 bumaba ng 10.1 percent o P5.6 trillion na lamang ang Gross Regional Domestic Product (GRDP) ng Metro Manila.

Sinabi ni PSA NCR Director Paciano Dizon na bukod sa pandemya at lockdowns, naka-apekto rin sa GRDP ng National Capital Region (NCR) ang pagputok ng Taal Volcano noong Enero 2020 pati na rin ang mga nagdaang bagyo.

Dagdag pa ni National Economic and Development Authority (Neda) Regional Development Group Assistant Secretary Greg L. Pineda malaki rin ang epekto ng mobility restrictions pagdating sa manufacturing sector.

Iginiit ni Pineda na malaki ang papel ng NCR sa ekonomiya ng bansa pati na rin sa paglago ng Central Luzon at Calabarzon na na malaki rin ang gampanin sa economic growth naman ng bansa.

Nabatid na pagdating sa regional perfomance para sa mga Serbisyo noong 2020, ang NCR ang nakapagtala nang pinakamalaking share na 42.6 percent, na sinundan ng Calabarzon at Central Luzon sa 10.7 percent at 8.2 percent.

Pero ang Agriculture, Forestry and Fishing (AFF), ang Central Luzon ang siyang may pinakamalaking share sa 14.3 percent, na sinundan naman ng Northern Mindanao sa 10 percent at Western Visayas sa 9 percent.