Inaasahang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa 6% ngayong 2024.
Ito ay kasabay ng pagbagal ng inflation, paglakas ng demands at mas mataas na public investment ayon sa Asian Development Bank (ADB).
Inaasahan na ang inflation ay babagal sa 3.8% ngayong taon o pasok sa 2% hanggang 4% target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas, maliban pa sa nakikitang mas mabagal na pandaigdigang presyo ng mga produktong petrolyo at pagpapalawig sa mas mababang taripa sa mga pangunahing pagkain gaya ng bigas, mais at karneng baboy hanggang sa Disyembre 2024.
Sinabi din ng ADB na ang inflation sa bansa ay lalo pang babagal sa 3.4% sa 2025 subalit maaaring magdulot ng pagsipa ng inflation dahil sa epekto ng El Nino at La Nina.
Base din sa pinakabagong Asian Development Outlook, sinabi ng multilateral lender na nakikitang lalago pa ang ekonomiya ng bansa sa 6.2% sa taong 2025.
Matatandaan na noong nakalipas na taon, ang ekonomiya ng PH ay lumago ng 5.6% na mas mababa naman sa target ng gobyerno na 6% hanggang 7%.