-- Advertisements --
Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa mahigit 6% mula 2022 o mula nang maupo si Panguong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa economic managers, lumago ang ekonomiya ng bansa sa average na 6.1% mula sa ikatlong kwarter ng 2022 hanggang sa unang kwarter ng 2024.
Sa unang kwarter ng 2024 pa lamang, naungusan ng 5.7% na ekonomiya ng Pilipinas ang ibang mga bansa sa Asya gaya ng Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand.
Ayon sa Development Budget Coordination Committee, sa kabila ng mga panlabas na salik, inaasahan na magpapatuloy pa rin na lalago ang ekonomiya ng bansa na inaasahang magtatapos sa 6% hanggang 7% ngayong 2024 at lalo pang lalago sa 6.5% hanggang 7.5% sa 2025 na pasok sa average growth forecast ng ibat’t ibang organisasyon.