Lumago ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas at nagtala ng pagtaas na 5.2 percent sa ika-apat na quarter ng taong 2024.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ay mula sa naitalang 5.5 percent na pagtaas sa parehong quarter noong nakalipas na taon.
Sa kabuuang taon ng 2024, ang GDP ay nagtala ng pagtaas na 5.6 percent.
Ito ay mas mataas sa naitalang 5.5 percent noong 2023
Ang Gross National Income (GNI) ay nagtala naman ng pagtaas na 6.2 percent sa ika-apat na quarter ng taong 2024.
Gayundin, ang Net Primary Income (NPl) mula sa iba pang bahagi ng mundo ay tumaas ng 14.1 percent.
Sa kabuuang taon ng 2024, ang GNI ay tumaas ng 7.6 percent. Samantala, ang NPI ay tumaas ng 26.1 percent.
Sa seasonally-adjusted national accounts, sa ika-apat na quarter ng taong 2024, ang GDP ay nagtala ng quarter-on-quarter na pagtaas na 1.8 percent.
Sa kabilang dako, ang GNI ay nagtala ng 2.5 percent quarter-on-quarter na paglago sa parehas na period.
Ang mga pangunahing sektor ng ekonomiya sa Industry at Services ay nagsipagtala ng mga pagtaas na 4.4 percent at 6.7 percent.
Samantala, ang Agriculture, forestry, and fishing ay nagtala ng pagbaba na 1.8 percent.
Sa kabuuang taon ng 2024, ang Industry at Services ay nagrehistro ng mga pagtaas na 5.6 percent at 6.7 percent.
Samantala, ang Agriculture, forestry, and fishing ay nagtala ng pagbaba na 1.6 percent.