-- Advertisements --

Inaasahan na sa susunod na taon o sa 2023 pa makakabalik sa pre-COVID-19 pandemic levels ang ekonomiya ng bansa, base sa pagtataya ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Karl Chua
NEDA chief Karl Chua/ FB image

Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa proposed P5.024-trillion national budget para sa susunod na taon, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na nanatili pa rin kasing maganda ang recovery prospects ngayon pa lang 2021.

Mas handa rin kasi aniya sa ngayon ang pamahalaan na harapin ang mga hamon na hatid ng mga nagsusulputan na variants ng coronavirus kumpara sa mga nakalipas na buwan.

Ayon kay Chua, makakatulong ito para maiwasan ang long-term scarring at productivity losses upang sa gayon ay makabangon ang ekonomiya sa pre-pandemic levels.

Noong Abril hanggang Hunyo 2021, lumago ng 11.8 percent ang gross domestic product ng Pilipinas, na pinakamataas sa nakalipas na 32 taon.