-- Advertisements --

Nakikita ng Asian Development Bank (ADB) na lalago ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ng hanggang 6 percent ngayong 2022 at 6.3 percent naman sa susunod na taon.

Ang projection nilang ito ay nakasaad sa kanilang Asian Development Outlook (ADO) 2022 ay pasok sa 6 hanggang 7 percent growth na target ng mga economic managers ng Duterte administration.

Ang projected expansion sa GDP ng Pilipinas ay maaring dahilan sa pagluwag pa ng restrictions, sa kasalukuyang lagay ng COVID-19 vaccination program at pinaluwag na international travel restrictions.

Nauna nang inanunsyo ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na papayagan na nang makapasok sa bansa ngayong buwan ang mga international tourist na bakunado na kontra COVID-19.

Marso 1 naman nang isinailalim sa Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na ang goal ngayon ng pamahalaan na mailagay ang karamihan sa mga lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 1 para mas mapalakas pa ang economic activities.