-- Advertisements --
economy

Nakitaan ng pagbilis sa paglago ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong bahagi ng taong 2023.

Ito ay matapos na makapagtala ang Philippine Statistics Authority ng nasa 5.9% na pagbilis ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa third quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nakiitan ng paglago ang gross domestic product ng bansa noong buwan ng Hulyo hanggang Setyembre 2023.

Mas mabilis ito kumpara sa 4.3% na growth rate na naitala sa ikalawang bahagi ng taon na maituturing na pinakamabagal sa loob ng 9 quarters mula nang makapasok ang bansa positive territory noong taong 2021.