Inaasahang lalago ng 5.5 porsyento ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon bunsod ng paglaki ng paggasta ng gobyerno.
Ayon sa University of the Asia and the Pacific, ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taon ay malamang na aabot sa 5.0 hanggang 5.2 porsyento.
Para sa ikaapat na quarter ng taong ito, nakikita ng mga ekonomista na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay lalago ng 6 na porsyento.
Ito ay magdadala sa buong taon na paglago ng GDP sa 5.5% na bahagyang mas mababa sa 6 hanggang 7% na target ng gobyerno para sa taong kasalukuyan.
Matatandaan na ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 4.3 porsyento sa ikalawang quarter.
Bukod sa paggasta ng gobyerno, inaasahan din na ang pagmamanupaktura at konstruksyon ay magtutulak ng paglago sa ekonomiya.
Ang transportasyon, storage, accommodations, food services and trade ay nakikita din na mag-aambag sa economic growth ng Pilipinas.
Sa kabilang banda, ang inflation naman ay maaaring mas bumaba pa sa 4% sa buwan ng Nobyembre habang nagsisimula ding bumaba ang mga presyo ng mga pagkain o ilang bilihin sa mga merkado sa buong bansa.