Mas lumago pa ang ekonomiya ng Pilipins kesa sa inaasahan noong 2022 kung saan ang gross domestic product (GDP) growth ng bansa noong huling quarter ng nakalipas na taon ay umabot sa 7.2% base sa inilabas na data ng gobyerno.
Nalagpasan ng 7.6 GDP growth noong 2022 ang target na 6.5% hanggang 7.5% na economic growth ng pamahalaan.
Ilan lamang sa indicators ng magandang paglago ng ekonomiya ng bansa ay ang pagtaas ng consumption, mababang bilang ng walang trabaho at ang surge sa big-ticket purchases.
Ayon naman sa mga ekonomista ang economic growth ay nakitaan ng pagbagal ngayong 2023.
Una ng nagbabala ang ilang ekonomista sa pagbilis pa ng inflation , nakaambang global recession at epekto ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na nananatiling banta sa paglago ngayong taon.