LEGAZPI CITY – Nananatiling bagsak ang ekonomiya ng rehiyong Bicol kahit nasa ilalim na ng mas maluwag na restrictions o Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay National Economic and Development Authority (NEDA) Bicol Regional Director Agnes Tolentino, paunti-unti nang nagbubukas ang ekonomiya subalit hindi pa fully open partikular na ang transportasyon.
Tanging ang nakaka-survive umano sa pandemya ay mga negosyong may kinalaman sa pagkain.
Karamihan naman ng nagsarang negosyo ay hindi basic needs kaya’t maraming nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya.
Noong Abril 2020 naitala ang pinakamababang unemployment rate sa Bicol na umabot sa 16.7%.
Aminado si Tolentino na isa ang Bicol sa may pinakamabilis na economic growth rate bago ang pandemya.
Subalit lubhang sumadsad hindi lamang dahil sa COVID-19 kundi maging sa African Swine Fever na halos kalat na sa rehiyon.