GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang pagbagsak ng ekonomiya sa bansang Sudan dahil sa kaguluhan.
Ayon sa report ni Bombo international correspondent Jove Laudeña na nasa mahigit sa 400% ang inflation sa naturang bansa.
Sa kanyang pahayag inihalimbawa nito na ang isang dolyar ay katumbas na sa 440.50 Sudanese pound.
Sa ngayon walang dolyar sa Sudan kung saan ang kanilang sahod ay manggagaling pa sa kompanya sa Saudi Arabia na siyang nagpapadala ng salapi sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas.
Dahil dito marami ang nagugutom dahil walang makain.
Naging pahirapan lalo ang kalagayan ng mga tao sa naturang bansa dahil walang harina na kanilang pangunahing pagkain at supply ng petrolyo.
Habang hindi umano gumagalaw ang ekonomiya dahil sarado ang mga establisyemento, paaralan at nagkalat ang militar sa mga daan.
Bumiyahe pa sila ng 30 kilometro mula sa pinagtatrabahuan papuntang opisina para makakontak gamit ang internet.
Nalaman na may pribadong telco na ginagamit ang nasabing kompanya habang blockout pa rin ang lugar matapos pinutol ng military government.
Si Laudeño ay unang dumating ng Sudan noong 2014 na nagtrabaho sa isang irrigation project sa naturang bansa.