DAGUPAN CITY–Inilabas na ng Pangasinan Police Provincial Office o PPPO ang eksaktong bilang ng mga baril na kanilang nakompiska dito sa buong probinsya ngayong taon.
Ayon kay Police Captain Ria Tacderan, umabot sa kabuuang bilang na 21,000baril ang nakumpiska ng kanilang mga hanay sa ilalim na rin ng kanilang kampanya kontra loose firearms.
Kabilang na dito ang mga hindi rehistradong baril at paso na ang lisensya na ayon kay Tacderan ay nasa kani-kanilang pangangalaga o ‘safe keeping’. Sa ganito paraan ay otomatikong naghahain ang kapulisan ng search warrant pati na ang pagiging subject nila for police operations.
Ayon pa sa opisyal, nakasaad sa kanilang hawak na datos na mula sa dalawamput isang libong baril na kanilang nakumpiska, 2337 dito ang nag surrender samantalang ang iba ay nasa proseso pa lamang ng renewal.
Kung pag uusapan naman ayon sa opisyal ang kanilang pagsisilbi ng mga search warrants, tinatayang nasa 125 na bilang sa buong lalawigan ang kanilang na-i-hain, habang sa kanilang police response o ang operasyon na may naganap na kaguluhan, ay pito dito ang kanilang nahuli.
Sa Oplan Bakal naman kung saan nagtutungo ang mga pulisya sa mga bars at nightclubs ay walo (8) ang kabuuang bilang na kanilang nakompiska, habang siyam (9) naman ang kanilang nakuha sa buybust operations na mas kilala sa kampanya kontra iligal na droga.
Kaugnay nito ay patuloy na hinihikayat ni Tacderan ang kapulisan lalo na ang bawat hepe ng istasyong nasasakupan na bigyang kaukulan ang nabanggit na kampanya ng pulisya upang tuluyan na aniyang masawata ang krimen sa probinsya.