-- Advertisements --
image 130

Muling nagpaalala sa publiko ang isang infectious expert na hindi pa rin tapos ang Covid-19 pandemic sa bansa.

Ito ay kahit pa nakapagtala ng mababang kaso ng virus ang bansa.

Nag-ulat ang Department of Health (DOH) noong Linggo ng 1,858 bagong kaso ng COVID-19, kaya umabot na sa 4,018,253 ang kabuuang bilang ng bansa.

Inihayag ni Dr. Rontgene Solante na sa sandaling ang mga bansa ay patuloy na nag-uulat ng walang mga bagong kaso ng COVID, maaari nang masasabi ng mga siyentipiko na ang pandemya ay matatapos na.

Mahigpit pa nila aniya na mino-monitor ang kaso ng Covid-19.

Sa katunayan, sa Western Pacific–na kinabibilangan ng Japan at South Korea–mataas pa rin ang mga kaso batay sa epidemiological update ng World Health Organization kaya hindi pa rin natin nakikita ang katapusan ng pandemya.