Nagbabala ang isang infectious disease specialist hinggil sa bagong bvariant ng covid19 na unang nadetect sa United kingdom.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, chief ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit sa San Lazaro Hospital sa Manila, ang omicron XE variant na ito ay recombinant ng BA.1 na original strain ng omicron at ng BA.2 sub variant ng omicron.
Paliwanag ni Dr. Solante na kapag may ganitong kombinasyon ng heavily mutated variant of concern , inaasahan aniya na ang recombinant na omicron XE variant ay mas nakakahawa at mayroon itong implikasyon lalo na nagyaong karamihan aniya sa mga banasa ay nagluluwag na ng kanilang alert level laban sa virus.
Ang variant na ito na itinuturing ng Worl health Organization na 10 porsyento na mas nakakahawa kumpara sa BA.2 ay naitala na rin sa bansang Thailand.
Sa ngayon kaunti pa lamang ang impormasyon na mayroon ngayon tungkol sa omicron XE variant.
Aniya, patuloy ang gagawing monitoring sa mga susunod na araw para malaman kung kaya ba nitong malabanan ang mga bakuna, kung ito ba ay nagdudulot ng severe infection.
Paghikayat ng infectious expert sa publiko na striktong sumunod sa minimum public health standrads at magpabooster shots na.
Gayundin kapag nakakaramdam ng mga sintomas ng virus dapat na magpasuri upang mamonitor kung may presensiya ng XE sa ban