-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagbabala ang isang eksperto sa nakikitang posibilidad ng pagtaas na naman ng kaso ng COVID 19 sa bansa dahil sa omicron variant na sinabayan pa ng mga aktibidad ngayong holiday season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Tony Leachon ang dating Special Adviser to the National Task Force on COVID-19, hindi nito inaalis ang posibilidad na magkaroon na naman ng pagtaas ng COVID 19 matapos na umakyat na sa 2.6% ang positivity rate sa National Capital Region mula sa dating 0.9% lamang noong Disyembre 1.

Nakakabahala rin umano na maraming lugar sa bansa ang nahinto sa vaccination program dahil sa Bagyong Odette na maaring makaapekto sa kaso ng COVID 19.

Payo ng eksperto sa mga Pilipino na panatilihin ang mahigpit na pagsunod sa mga health protocols, at alalahaning nandiyan pa rin ang COVID 19 lalo na ang Omicron variant.