-- Advertisements --
viber image 2023 08 30 08 01 48 059

Nagbigay ng malinaw at konkretong paliwanag tungkol sa reclamation sa Manila Bay ang kilalang ekspertong urban-and-environment planner na si Architect Jun Palafox.

Ayon kay Architect Palafox, ang mga progresibong bansa at lungsod sa daigdig ay gumagawa na rin ng reclamation o man-made islands, para makapag dagdag sa urban land supply, makaakit ng mas marami pang negosyo, at makalikha ng mga trabaho para sa kanilang mamamayan.

Ang mga reclamation o man-made islands aniya ay pwedeng planuhin at idisenyo bilang pangtugon sa sea-level rise o pagtaas ng lebel ng dagat.

Ito ay mas ligtas aniya para sa mga komunidad na nasa baybaying dagat lalo na ang mga matagal nang apektado ng sea-level rise at land subsidence.

Sinabi pa ni Palafox na magsisilbi rin itong natural wave breakers o panangga sa malalaking alon sa tuwing may storm surge at tsunami.

Dagdag pa ni Architect Palafox, basta’t ang reclamation projects ay maayos na plinano, dinisenyo, at isinagawa ng tama, ang lahat ng mga sinasabi ng mga kritiko na environmental and security concerns ay ganap na matutugunan.

Si Palafox ay Vice President for Trade Missions ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Director for Climate Change and Environment, Infrastructure and Construction, and Chairman ng 49th PBC & Expo.

Nakapagsagawa na rin siya ng mga modernong proyekto sa 40 mga bansa.