-- Advertisements --

Binulabog ng malakas na pagsabog ang compound ng Davao City Police Office pasado alas-11:00 ng tanghali lamang.

Pinaniniwalaang sa stockroom o sa Special Anti Task Force Unit (SATU) ng DCPO ang pinanggalingan ng malakas na pagsabog kung saan nakaimbak ang mga nakumpiskang eksplosibo.

Agad namang rumisponde ang mga bombero galing sa 911 at mga fire volunteers dahil sa dami ng usok sanhi ng pagsabog.

Dahil sa lakas ng pagsabog, nagsipaglabasan ang mga residente na malapit sa compound ng DCPO.

Sa ngayon hindi pa matukoy kung anong uri ng eksplosibo ang sumabog at patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng explosive ordnance Division (EOD) ng DCPO.

Wala namang natalang casualties sa nasabing pangyayari.