DAVAO CITY – Apektado ang ikta-iktaryang palayan sa probinsiya ng Davao del sur dahil sa malawakang pagbaha na naranasan sa naturang lugar.
Inihayag ng magsasakang si Orly Tria na sa kanyang 2 ektaryang palayan, aabot na lamang sa 30% ng kanyang palayan ang mapapakinabangan dahil lubog na ito sa tubig na may halong putik.
Dagdag pa nito na nakatakda sana nilang aanihin ang kanilang pananim ngayong Setyembre 28 hanggang katapusan ng Oktobre.
Maliban kay Tria, apektado rin ang mga palayan sa karatig na mga munisipalidad ng Davao del Sur, lalo na sa bayan ng Sta. Cruz kung saan dalawang barangay ang apektado sa rumragasang baha.
Samantala, aabot naman sa 169 na indibidwal ang apektado sa pagbaha mula sa Barangay Igpit, Digos City, Davao del Sur.
Suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan at trabaho sa Sta. Cruz, Davao del Sur dahil sa pagbaha.