-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Isinagawa ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO Isabela ang pagtatanim ng punlang kawayan sa halos sampong ektarya ng lupa kasabay ng paggunita sa World Bamboo Day.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PENRO Marlon Agnar, sinabi niya na isinagawa ang pagtatanim ng mga kawayan sa barangay Batong Labang, Ilagan City.

Kasama nila sa pagtatanim ang mga people’s organization, CENRO Naguilian at ibang kawani ng PENRO Isabela gayundin angmga opisyal ng naturang barangay.

Aniya, nasa 2000 ang kanilang itinanim dahil may 1000 na punla at nasa 1,000 rin na cuttings.

Dagdag niya na sa bawat ektarya ng lupa ay 204 ang maitatanim.

Sinabi ni PENRO Agnar na mahalaga ang pagtatanim ng kawayan dahil marami itong puwedeng panggamitan.