-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Umabot na sa 5,000 pamilya ang apektado ng malawakang baha sa limang barangay sa Matalam, North Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Matalam Acting Vice Mayor Ralph Ryan Rafael.
Ayon kay Rafael, ang mga lugar na binahaan ay agad nila na binigyan ng tulong lalo na ang mga sinalanta ng baha.
Nasa higit 200 ektarya ng palayan naman ang nasira dahil sa malakas na tubig baha.
Maging ang Matalam-Mlang highway ay binaha kung saan pansamantalang na stranded din ang mga motorista.
Sa ngayon, siniguro ng LGU Matalam ang tulong sa mga apektadong pamilya.