DAVAO CITY – Nanawagan ngayon ang Department of Agriculture XI sa mga Local Government Units (LGUs) tungkol sa nagviral na socia media post kung saan pinagtatatadtad na lamang ng mga magsasaka ang kanilang pananim na repolyo sa Sitio Paradise, Barangay Kapatagan, Digos City, Davao del Sur.
Upang maiwasan ulit ang nangyari, nanawagan ang Department of Agriculture sa mga LGUs sa Region XI na imonitor at bigyang pansin ang mga magsasaka sa ilang lugar upang ito’y matulungan lalo na sa mga naapektuhan sa pagbili ng kanilang produkto sa murang halaga.
Ayon kay Alexander Sibuan, DA XI Agriculturist, na kapag meron silang mamonitor na binibili ang nasabing produkto ng mas mababang halaga o di kaya’y oversupply, maaari nila itong idulog sa DA upang mahanapan ng solusyon.
Dagdag pa, handa ang ahensiya na sagutin ang bayad sa transportasyon mula sa sakahan papunta sa buyer.
Sinubukan umano ng DA na maghanap ng possible buyer ng nasabing repolyo, ngunit huli na ang lahat dahil pinagtatatadtad na ng mga magsasaka ang kanilang produkto.
Base sa datos, 70-80% ng suplay ng gulay ang nanggaling sa nasabing barangay.
Kaya naman, mahalagang bigyan ng pansin at suportahan ng LGU ang mga magsasaka.
Sa ngayon, mabibili ng P8 kada kilo ang presyo ng repolyo batay sa farmgate price.
Habang mabibili naman ito sa P60 kada kilo sa palengke.