-- Advertisements --
Ronda Pilipinas Cycling
Road race Palayan City, Nueva Ecija to Baguio City (photo from Ronda Pilipinas FB)

BAGUIO CITY – Nangibabaw ang Philippine Navy sa katatapos na ikawalong stage ng Ronda Pilipinas 2020.

Nakuha ni El Joshua Cariño ang Versa Jersey o ang King of the Mountain Award habang nakamit naman ni John Paul Morales ang Green Jersey para sa points clarification.

Nanatili pa rin si George Oconer sa Red Jersey o ang pagiging over-all leader nito at iniuwi naman ni Daniel Ven Cariño ang Go for Gold sa Yellow Jersey o ang Best Young Rider sa Under23 Category.

Lahat ng mga nanalo na pawang miyembro ng Philippine Navy kung saan pinangunahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagbibigay parangal sa mga ito.

Samantala, aabot sa 74 na mga riders mula sa 11 grupo ang nakilahok sa Ronda Pilipinas kung saan nagmula ang kompetisyon mula sa Palayan City, Nueva Vizcaya at dinaanan nila ang 170 kilometrong kalsada hanggang sa Burnham Park, Baguio City.