-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Umabot na sa P1-bilyon ang halaga ng mga mais sa Cordillera na nasira dahil sa nagpapatuloy na El Niño.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) – Cordillera regional director Cameron Odsey, industriya ng mais ang pinaka-naapektuhan ng tagtuyot sa rehiyon dahil sa kakulangan ng water supply.

Aminado ang opisyal na malaki ang posibilidad na maapektuhan agad ang mga mais dahil dependent ang mga ito sa tubig

Bukod dito, apektado rin ang ilang palayan malapit sa mga irigasyon.

Batay sa record ng DA Regional Operation Center noong Marso, umabot sa P1.18-B na halaga ng bigas, mais, kamoteng kahoy at iba pang high-value crops ng sinira ng phenomenon.

Naitala ang pinakamalaking sira Ifugao, Apayao, Kalinga at Abra.

Tinatayang aabot naman sa 34,000 ang mga apektadong magsasaka sa Cordillera Region.

Gayunman, nakapagbigay ang kagawaran ng inisyal na tulong sa mga magsasaka gaya ng buffer seeds, 2,000 na rice sack, higit 1,000 corn sack at 500 kilos ng ibat-ibang vegetable seeds