-- Advertisements --

Itinaas na ng Department of Agriculture (DA) sa P4.35 billion ang halaga ng damyos dahil sa epekto ng El Niño.

Ang nasabing halaga ay base na rin sa pinakahuling ginawang assesment ng Disaster Risk Reduction Management Operations (DRRM) ng DA.

Mula sa dating P1.33 bilyon ay naging P4.33 billion na binubuo ng mahigit 233,000 metric tons na damyos sa mga agricultural areas.
Mayroong 138,859 na mga magsasaka at mangingisda ang umaaray dahil sa matinding tag-tuyot.

Nanguna naman ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa may pinakamataas na naaapektuhan na mayroong 149,494 ektarya ng mga lupain ang naapektuhan.