-- Advertisements --
Itinaas na ng Department of Science and Technology (DOST) ang El Niño alert mula sa dating “watch” status lamang.
Ayon sa mga eksperto, nasa 80 porsyento na ang posibilidad na maitala ito sa ilang bahagi ng ating bansa.
Sinasabing maaari itong maranasan sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto.
Ang pagbabago sa babala ay alinsunod sa impormasyon ng El Niño Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System.
Matatandaang unang itinaas ang El Niño watch noong Marso 23, 2023, ngunit kinailangan itong baguhin para magsilbing babala sa mga maaapektuhang mamamayan.
Sa panahon ng El Niño, aasahan ang mas maliit na tyansa ng pag-ulan, mas mainit na temperatura at malalakas na bagyo sa ilang pagkakataon.