-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umabot na sa higit P3 million ang danyos na naitala ng Iloilo Provincial Agriculture Office sa probinsya ng Iloilo dahil sa weak El Niño.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Provincial Agriculturist Dr. Ildefonso Toledo, sinabi nito na P3.1 billion ang danyos sa palayan ng sobrang init na panahon kung saan mahigit 27,000 na mga magsasaka ang apektado.

Aabot aniya sa 28,000 ektarya ng palayan ang labis din na naapektuhan.

Maliban sa palayan, apektado din ang mahigit 4,000 ektarya ng mga maisan.