Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi nagtataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng epekto ang El Niño phenomenon.
Ayon sa ahensya, may mga lugar na nagiging mahigpit ang suplay ng agricultural products, ngunit hindi ito maituturing na malaking impact sa lokal na presyuhan.
Ayon kay Trade Assistant Secretary Amanda Nograles, ipinairal kasi sa mga lugar na lubhang apektado ng El Niño ang prize freeze dahil sa state of calamity.
Nangangahulugan ito na hindi pwedeng itaas ang presyo ng pangunahing bilihin habang umiiral ang state of calamity.
Giit pa ng opisyal, malaking bahagi ng bansa na nararanasan ang matinding init pero sa mga lugar na walang state of calamity ay sinusunod naman ng mga retailers at negosyante ang suggested retail price (SRP) na kanilang inilabas.
Wala ring nakikitang iba pang dahilan na magtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sapat ang supply ng mga produkto at matatag ang presyo ng mga ito.