Muling binuhay ng Malacañang ang El Niño Task Force sa pamamagitan ng Memorandum Circular 38 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Kasunod na rin ito ng babala ng PAGASA na may 75 porsyentong posibilidad na tatama ang El Niño phenomenon mula Hunyo hanggang Agosto ngayong taon.
Magugunitang 2015 nang mabuo ang El Niño Task Force na siyang gumagawa ng Roadmap for Addressing the Impacts of El Nino (RAIN).Batay sa memorandum order, kailangan muling magpatupad ng short term at long term solutions para matiyak ang sapat na supply ng pagkain, tubig at enerhiya, protektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino at palakasin ang tugon ng bansa pagdating sa kalamidad at sakuna.
Ang El Niño Task Force ay