-- Advertisements --
Texas mass shooting
Texas shooting

Itinuturing ng mga otoridad na isang uri ng domestic terrorism ang naganap na pamamaril sa Texas na ikinasawi ng 20 katao.

Sinabi ni US Attorney for Western District of Texas John Bash, na may mga online post ang 21-anyos na white-man suspek.

Nananawagan pa ito ng Hispanic invasion of Texas.

Posibleng maharap ang suspek ng federal hate crime at firearms charges na may hatol na kamatayan.

Itinuturo na ang suspek na si Patrick Crusius na naninirahan sa Allen, Dallas na siyang nasa likod ng pagpapakalat ng 8chan, isang online message board na ginagamit ng far right.

Bagamat wala pang inilabas na pangalan ay kinumpirma ni Mexico’s President Andres Manuel Lopez Obrador na tatlong kababayan nila ang nasawi sa insidente.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.