-- Advertisements --
Texas mass shooting
Suspect in El Paso, Texas mass shooting

Nakatakdang bumisita si US President Donald Trump sa El Paso, Texas matapos ang naganap na gun massacre sa naturang syudad na kumitil sa buhay ng 22 biktima.

Ito ay sa kabila ng pagsusulong ng American president na pigilan ang patuloy na pagbuhos ng illegal immigrans sa U.S.-Mexican border.

Noong Enero lamang nitong taon nang tahasang tinawag ni Trump na isa ang Texas sa pinaka-delikadong syudad sa Amerika.

Naniniwala naman si El Paso Mayor Dee Margo na hindi hahaluan ng pulitika ang pagbisita ni Trump sa Texas.