-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tunay na magaling at mahusay ang implementasyon ng End Local Conflict Armed Conflict (ELCAC) programs ng probinsya ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Nancy Catamco.

Kanina ay dagdag na 20 mga magsasaka na pawang mga ELCAC beneficiaries na mga nagbalik loob sa pamahalaan (former rebel) ng Tulunan ang nakatanggap ng hayop pangsaka baka o kalabaw sa ginawang large animal dispersal program.

Ayon kay Roi Aguirre ng TF Food Security team,

Nasa 10 benepisyaryo ang mula sa Brgy Banayal at 10 sa Brgy Bituan. Dumalo sa pulong si Abraham Contayoso ng LGU Tulunan, Joan Villamor ng Food Sec Team, kinatawan ng PNP, AFP at Office of the Provincial Veterinarian na syang nanguna sa aktibidad.

Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng mga benipisyaryo sa tulong ng pamahalaan na kanilang natanggap.