-- Advertisements --


Unang nakapaghain na ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCEs) kaugnay sa nagdaang May 9 election ngayong taon si Defeated senatorial bet Guillermo Elezar at3 party-list groups.

Ayon kay Acting Comelec spokesperson Atty. Rex Laudiangco kabilang sa party-list groups na nakapaghain na ng SOCE ay ang Abono, Senior citizen at ang Bisaya Gyud partlist.

Patuloy na pinapaalalahana ng Comelec ang lahat ng kandidato sa nagdaang halalan kabilang na ang mga nag-withdrwa ng kanilang kandidatura na magsumite ng kanilang SOCE.

Nakatakdang magtapos ang itinakdang pagpapasa ng naturang dokumento hanggang sa Hunyo 8 na lamang ng kasalukuyang taon o 30 araw matapos ang halalan.

Ang mga kandidato na mabigong makapaghain ng SOCE ay makakasuhan ng administrative offense at multa ng nasa P1000 hanggang P30,000 base sa discretion ng poll body .

Pagbabawalan rin ang ang elected candidate na umupo sa kaniyang katungkulan hanggat hindi naisusumite ang naturang dokumento gayundin sa mga political parties na nagnominate ng nanalong kandidato salig sa Section 14 ng Republic Act (RA) 7166 o ang Synchronized Elections Act.