-- Advertisements --

Nagmatigas si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major Gen. Guillermo Eleazar kaugnay ng mga reklamo matapos nitong sugurin ang isang pulis na sangkot umano kaso ng pangingikil.

Sa isang panayam sinabi ni Eleazar na hindi siya hihingi ng tawad sa mga kapwa pulis na patuloy na gumagawa ng mga paglabag sa batas.

Nagpaliwanag ang NCRPO chief dahil nadala lamang daw siya ng kanyang emosyon dahil malinaw na pagdungis umano sa integridad ng pulisya ang kinasangkutan ni Corp. Marlo Quibete ng Eastern Police District.

Giit ni Eleazar, hindi niya sinampal, sinuntok o sinabunutan ang naarestong pulis.

Nahaharap sa kasong extortion si Quibete matapos umanong kikilan ang isang naarestong drug suspect at live in partner nito.