Inalerto ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang Police Regional Office (PRO-8) na maghanda sa posibleng epekto sa rehiyon ng tropical depression “Maring”.
Inabisuhan din ng PNP chief ang mga kalapit na PRO na mag-standby ng mga tauhan kung sakaling kakailanganin ang kanilang tulong sa evacuation ng mga residente.
Bilin ni Eleazar sa mga kinauukulang unit na aktibong imonitor ang mga weather bulletin ng Pagasa para sa possibleng pre-emptive evacuation ng mga residente sa mga peligrosong lugar.
Base sa ulat ng Pag-asa ngayong araw, ang “Maring” ay nasa karagatan ng bansa pero “erratic” ang pagkilos nito at wala pang tropical clone wind signal na itinaas.
Tinatayang makakaranas ang Eastern Visayas ng mahina hanggang katamtamang ulan, na may pabugso bugsong malakas na pag-ulan bilang epekto ng TD Maring.
Habang maari namang makaranas ng mahina hanggang katamtamang ulan, na may pabugso bugsong malakas na pag-ulan ang Occidental Mindoro, Palawan, at iba pang bahagi Visayas dahil sa epekto ng habagat na pinalakas ng TD Maring.