-- Advertisements --
Mahigpit na binilinan ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang kaniyang mga kapulisan na hindi dapat manakit at mamahiya sa mga mahuhuling lumalabag sa health protocols kapag sinimulan ang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Sinabi nito na hindi trabaho ng mga kapulisan ang manakit at mamahiya sa mga health protocols violators.
Nararapat na irespeto ng mga kapulisan ang karapatan ng mga mamamayan.
Kasabay din nito na nanawagan ang PNP chief sa mga mamamayan na dapat sumunod sa ipinapatupad na paghihigpit ng gobyerno.
Ilan sa mga ipinagbabawal aniya ay ang mass gathering at dapat may suot na face mask, face shield at physical distancing.