-- Advertisements --
Tiniyak ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na wala nang palusot ang mga umano’y “peace consultants” ng National Democratic Front (NDF) ngayong na-designate na ng Anti Terrorism Council (ATC) ang NDF bilang terroristang organisasyon.
Sinabi ni PNP Chief na ang hakbang ng ATC ay “wise move” para mapabilis ang pagtatapos ng communist insurgency sa bansa.
Ayon kay Eleazar, sa pagkilala sa NDF bilang terroristang organisasyon, hindi na sila makakapagtago sa likod ng batas.
Sinabi ni Eleazar na ngayon ay maari nang maglunsad ng all-out operations laban sa NDF ang PNP.
Paliwanag ng PNP Chief, hindi na idolohiya ang ipinaglalaban ng CPP-NPA-NDF kundi ang simpleng pang-aagaw ng kapangyarihan sa pamamgitan ng baril at dahas.