VIGAN CITY – Temporaryo munang sinuspinde ng mga political parties sa United Kingdom ang election campaign ayon kay Bombo International Correspondent George Anthony Ingram na tubong Santa, Ilocos Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Ingram, ang nasabing hakbang ay bilang pagpapakita umano ng respeto sa pagpanaw ni Prince Philip na kinikilalang great consort, palatawa, at malaking kawalan sa nasabing nasyon.
Ibinuwis ni Prince Philip ang kanyang buhay sa monarkiya at naging tapat na asawa kay Queen Elizabeth II sa 70 years na kanilang pagsasama.
Aniya, hindi rin umano nito ikakagulat kung sa mga susunod na araw ay ibubuyag ng Reyna ang kanyang pagbitiw sa pwesto at ang hindi na nito pagpapakita sa publiko dahil sa labis na pagdadalamhati.
Sa ngayon, nakahalf-mast ang bandila ng nasabing bansa at sa April 17 ganap na alas tres ng hapon maililibing ang prinsipe kung saan ay dadalo si Prince Harry ngunit hindi nito kasama ang kanyang asawang si Meghan dahil sa kanyang pagbubuntis.