-- Advertisements --

Magagamit na muli ang mga permit to carry firearms outside residence (PTCFOR).

Ito’y kasabay ng pagtatapos kaninang hatinggabi ng election period na nagsimula noong April 14, 2018, gayundin ang ipinapatupad na gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson, C/Supt. John Bulalacao, umabot sa 1,400 ang mga naarestong lumabag sa gun ban.

Karamihan aniya rito o 1,300 ay mga sibilyan, 31 ang opisyal ng gobyerno, siyam na pulis, at anim na sundalo.

Nasa 1,200 naman ang mga baril na nakumpiska karamihan ay pistola, revolver, shotgun, at rifle.

Pagbibigay-diin pa ni Bulalacao, kahit tapos na ang election period, hindi nila aalisin ang mga inilatag na checkpoints nationwide.