-- Advertisements --
Hinimok ni Sen. Francis Tolentino ang mga opisyal ng gobyerno na tingnan ang iba’t-ibang anggulo ng batas para maibalik sa kulungan ang mga bilanggong maling nakalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA).
Ayon kay Tolentino sa panayam ng Bombo Radyo, sa isyu ng pagpapalabas sa apat na Chinese drug lords ay maaaring magamit ang Omnibus Election Code.
Pasok kasi sa election ban para national and local polls ang release ng mga banyaga.
Kung sisilipin ang technical aspect, mali ang basehan ng pagpapalaya sa mga ito at nangangahulugang dapat ibalik ang apat sa national penitentiary.
“Bilang mambabatas, tinitingnan po natin ang iba’t-ibang isyu rito para maiwasto ang ilang pagkakamali,” wika ni Tolentino.