-- Advertisements --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pananambang sa election officer sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nangyari ang pananambang kay Maceda Lidasan Abo sa Barangay Makir, habang lulan ito ng kanilang sasakyan, kasama ang kaniyang may-bahay.

Ayon kay Atty. Mohammad Nabil Mutia, Provincial Election Supervisor, nakikipagtulungan na sila sa mga otoridad upang mabigyan ng angkop na tulong ang mag-asawa at kanilang pamilya.

Tumanggi naman ang mga opisyal na magbigay ng iba pang sensetibong impormasyon habang nagpapatuloy ang pagtugis sa mga salarin.