-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nasa ligtas ng kalagayan ang isang Election Officer sa pamamaril sa syudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Raufden Mangelen,Municipal Election Officer ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Quiruben Manalang na lulan ang biktima sa kanyang minamanehong Suv sa bahagi ng ORC Barangay Rosary Heights 9 ng lungsod ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang nagresponde ang mga pulis kaya mabilis na tumakas ang mga suspek.

Tinutulungan ng mga residente ang biktima at agad dinala sa pagamutan kung saan nasa ligtas na itong kalagayan matapos magtamo ng tama ng bala sa braso.

Malaki ang paniniwala ng pamilya ng biktima na posibling may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo sa pamamaril.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril sa biktima.