Koronadal City- Ipinasiguro ng South Cotabato Provincial Environment and Management Resources Office ang pagtutok sa mga campaign materials ng mga kandidato sa nagtapos na May 13, 2019 midterm elections, ito ay kasabay ng panawagan ng Bombo Radyo Philippines sa mga kandidato at mga campaigners ng mga ito na baklasin na ang kanilang mga election paraphernalia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato Provincial Environment and Management Resources Officer Siegfred Flaviano , inihayag nito na may inilagay na mga waste cleaners para sa pagkuha ng mga election paraphernalia sa buong probinsya.
Sinabi din nito na may ilang pulitiko na itatago at gagamitin muli ang kanilang tarpulin para sa susunod na eleksyon.
Maliban pa dito ay nirerecycle din ang ilang tarpaulins upang gawing pantakip sa bubong ng bahay, ginagawang bag, tulugan at iba pa.
Kasabay nito hinikayat din ang lahat ng mga kandidato na tumulong sa pagbaklas ng kanilang mga election materials sa ibat-ibang mga lugar.