-- Advertisements --

MAGUINDANAO -  Tiniyak ng Comelec ARMM na nakahanda na ang lahat ng mga gagamiting election paraphernalia para sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Lunes.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay ARMM election officer Atty. Rey Sumalipao na handang handa na sila para sa plebisito.

Aniya, “in placed” na rin ang kanilang seguridad para sa mga board of election tellers na magsisilbi sa plebisito.

Sinabi ni Sumalipao, madaling araw sa Lunes kanila ng ibibiyahe sa iba’t ibang polling precincts ang mga election paraphernalia.

Simula bukas ipapamahagi na rin ng provincial treasurer ang mga election paraphernalia sa iba’t ibang municipal treasurers at ipapamahagi sa mga clustered precincts na simultaneous gagawin.

“All of the election paraphernalias including the ballots, certificate of canvass, plebiscite returns are all ready in the area,” pahayag pa ni Sumalipao.

Plantsado na rin ang kanilang deployment plan na magsisimula madaling araw ng Lunes, January 21, 2019.

Dagdag pa ni Sumalipao, sapat na ang security forces na magse-secure sa simula ng botohan hanggang sa bilangan at pag-transport ng mga canvassing results.

Wala naman nakikitang problema si Sumalipao sa distribution ng mga election paraphernalia dahil kasado na ang seguridad dito.

“I am confident na successful ang distribution ng mga election paraphernalia,” dagdag pa ni Sumalipao.