LAOAG CITY – Sinimulan na nang kampo ni dating Sen.Bongbong Marcos ang paghahanda para sa susunod na eleksyon.
Sa interview kay Marcos, kinumpirma nito na tatakbo ulit siya sa susunod na eleksyon pero hindi pa masabi kung anong posisyon.
Kwento pa niya, sa ngayon ay abala na sila sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Aniya, sana’y na silang mga politiko at laging silang handa kung saan matulog lang umano sila ng mahimbing sa isang gabi ay handa na naman silang sumabak.
Samantala, sinabi ni Marcos na hinihintay pa nila ang sasabihin ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa naging comment nila hinggil sa kahilingan ni Vice President Leni Robredo sa PET na ibasura na ang election protest na naihain laban sa kaniya.
Ito ay dahil naniniwala itong walang ebidensiya ng substantial recovery sa initial recount na naipakita ang kabilang kampo.