Inaprubahan na ng Wisconsin Elections Commissions ang partial recounts of votes sa halalan sa pagkapangulo.
Ito ay matapos na matanggap na nila ang $3million na bayand mula sa campaign team ni US President Donald Trump.
Inatasan rin ng commission ang mga board of canvassers sa Dane at Milwaukee counties na mag-convene ng alas-9 ng umaga ng araw ng Sabado sa America.
Magugunitan naghain ang kampo ni Trump ng petition na humihiling sa nabanggit na lugar na magkaroon ng recount dahil umano sa malawakang pandaraya.
Kasabay din nito ay hindi na itutuloy ng kampo ni Trump ang federal lawsuit sa Michigan may kaugnayan pa rin sa iregularidad sa halalan at sa halip ay hiniling nila sa korte na itigil ang pagbigay ng certification ng mga boto sa Wayne county.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng dumaraming bilang ng pagbasura ng korte sa iba’t-ibang lugar sa US sa mga inihaing petisyon kaugnay umano sa dayaan sa halalan.