-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Bumaba sa halos kalahating porsyento ang kaso ng karahasan sa bahagi ng Western Mindanao Command (WestMincom).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay WestMincom spokesperson Lt. Col. Gerry Besana, ibinahagi nito ang tagumpay ng kanilang nabuong joint security coordinating council ng Commission on Elections, Philippine National Police at AFP.

Aniya, nakipag-ugnayan din ang mga sundalo sa mga kumandidato sa election sa kanilang mga paalala laban vote buying at vote selling kung saan maaari silang makulong at mawalan ng tsansang makahawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Bagamat may napaulat na political harrasment, suntukan sa ilang polling precincts at pagsabog ng bomba, inamin ni Besana na hindi ito nakaapekto sa halalan sa ilalim ng kanilang area of responsibility.