ILOILO CITY – Tiwala ang Nationalista Party (NP) na “sure win” na bilang susunod na House Speaker ang kanilang kapartido na si Taguig Pateros Rep. Allan Peter Cayetano.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo 5th District Rep. Raul Tupas, sinabi nito na formality na lang ang gagawing botohan para sa susunod na lider ng Kamara.
Ayon kay Tupas, malaki ang epekto sa halalan sa House Speakership ang endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Cayetano.
Malaking development aniya ang pag-eendorso ismo ng pangulo kay Cayetano at kay Marinduque Rep. Lord Alan Velasco bilang susunod na lider ng Kamara.
Naniniwala naman ang mambabatas na sa mga nagnanais na maging lider ng Kamara, si Cayetano ay siyang mas pinagkakatiwalaan ni Duterte kung saan naging running mate niya itong noong Presidential elections.