Ipinahayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na papayagan ng komisyon ang pagkakaroon ng election watchdogs mula sa Commission on Human Rights (CHR) para sa Eleksyon 2025.
Aniya, ang mga opisyal ng CHR ay nagpahayag ng intensyon na mag-deploy ng kanilang mga tauhan sa halalan at sinang-ayunan naman ito ng Comelec.
Kaugnay pa nito, ang CHR ay nag-request din na ang mga personnel na idedeploy para sa araw ng halalan ay makapag-avail ng absentee voting. Sagot naman ng poll body na hinimok niya ang CHR na magpasa ng letter para sa naturang request.
Sa ngayon, kinikilala ng komisyon ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang citizen’s arm.
Habang nagsisilbi ring watchdog ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panahon ng halalan.