-- Advertisements --

DAVAO CITY – Matatamasa pa, ng mga konsumanteng Dabawenyo hanggang ngayong buwan ng Abril ang pagbaba ng singil sa kuryente. Ito ay matapos magpatupad ng rate adjustment ang Davao Light and Power Corporation.

Aabot sa P11.14 per kilowatt hour ang pagbaba ng singil sa mga residential consumer. Mas mababa ito ng P0.38 kung ihahambing sa power rates noong Pebrero. Sa pagtatantsa, ang isang residential consumer na may daily average monthly consumption na aabot ng 200 kilowatt hour ay makakatipid ng P76 pesos.

Ayon kay DLPC president and Chief Operating officer Rodger Velasco, dahilan ng pagbaba ng singil ang oversupply na aabot sa 3,000 megawatt sa Mindanao, kung saan nasa 2,000 megawatts lang ang demand dito. Idagdag pa ang pagbaba ng rate ng coal suppliers ng nasabing electric Company.

Sa kabilang dako hindi maipapangako ng DLPC na magpapatuloy ang mababang singil sa kuryente sapagkat nakadepende umano ito sa demand at supply at rate narin mula sa Wholesale Electricity Spot Market sa Mindanao.