-- Advertisements --
DOE Alfonso Cusi OIL
Secretary Alfonso G. Cusi Department of Energy (DOE)

Pinakiusapan na rin ng Department of Energy (DOE) ang mga public at private sector corporations na magkaroon ng extension nang pagbabayad ang mga kunsumidores ng isang buwan dahil sa pinaiiral ng gobyerno na enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus.

Sa ipinalabas na memorandum ni Energy Secretary Alfonso Cusi nakiusap ito na sana isipin din ang kapakanan ng taongbayan.

Nanawagan ang DOE sa mga distribution utilities nationwide na bigyan ang mga electricity consumers ng 30-day extension sa payment of bills na para sana sa period ng March 15 hanggang April 14, 2020.

Nakapaloob din sa memorandum ang extension sa pagpapabayad sa mga coal suppliers sa mga generation facilities, kasama na ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation, National Power Corporation, National Transmission Corporation, Independent Electricity Market Operator at sana raw ganoon din ang mga lessors of land na merong mga energy facilities nationwide.

Hiniling din ng DOE sa local government units na host o meron sa kanilang mga lugar na energy facilities na i-extend din ang payment deadline para sa pagbabayad ng local taxes at iba pang mga bayarin.

“The Philippine energy family is in full solidarity with the entire nation in the battle against COVID-19. Energy services must be available 24/7 for everyone, most especially our frontline heroes who are risking their lives daily for the benefit of our fellow countrymen. The memo we issued is an additional measure to help keep the energy sector, as well as our stakeholders afloat during this time,” ani Sec. Cusi.